paraan sa pagluto ng Adobong Manok
Magandang araw sainyong lahat. Ako po si Angel Mae E. Nalia, at tuturuan ko kayo kung papaano magluto ng Adobong Manok. Siya nga pala, ang adobong manok ay ang isa sa paboritong ulam ng mga Pilipino. Ang adobo ay nanggaling sa Espanyol. Masarap at malinamnam ang adobo na sa unang kagat ay mapapakanta o mapapasayaw ka hahaha,joke. So, simulan kuna ang pagtuturo sa pagluto ng Adobong Manok.
Mga sangkap sa paggawa ng Adobong Manok
Manok - Hindi makukumpleto ang lulutuin kung walang Manok
Paminta
Bawang
Sibuyas
Pineapple slice
Tuyo at suka
Paraan ng pagluto:
Una ay ilagay ang kalan sa apoy.
Maglagay ng mantika sa kalan.
Igisa ang bawang at sibuyas,
Ilagay ang manok at maglagay ng isang basong tubig
Takpan ito ng Sampu o hanggang Labing Limang minuto.
Pagkatapos ng 10-15 minuto ay ilagay ang suka,toyo at paminta.
Takpan ito uli ng limang minuto.
Ang huli ay ilagay ang pineapple slice at takpan ito hanggang 2 minuto. At wollah! Pwede na itong ihain.
Konklusiyon/Ebalwasyon:
Sa paglagay ng mga sangkap ay hindi ito susubra o kukulang, nararapat na katamtaman at may halong pagmamahal sa pagluluto upang masarap ang niluluto.